I can't believe I'm writing. Publicly. Again.
Maybe it's now too much to handle. O baka pagod lang ako. Either way, hello ulit.
Sobrang iba na 'yung huling ako na sumulat dito sa kung sino ako ngayon. But I guess, same pa rin na 'yung content ng mga sinusulat ko, mga taong minahal ko.
Akala ko, after ng ex ko, 'di na 'ko magmamahal ulit. Sabi nga ng Ben & Ben, walang'yang pag-ibig 'yan.
2 years mahigit na. Nung una kong ma-realize na crush ko siya, at eventually, mahal na rin pala.
Mag-iisang taon na rin after ng kasal niya.
Pero shet, 'yung iyak ko ngayon, 'kala mo kahapon lang lahat nangyare. Masakit pa rin.
Namimiss ko siya. Gusto ko siyang makita, mayakap. Sobra. Kaso alam ko, kung magkikita kami ngayon, 'di ko rin alam sasabihin ko sa kanya.
Feeling ko, I've ruined everything. And it can only go worse from here. What if I also lose kung ano mang katiting pa 'yung natitira sa kung ano mang meron o naging meron kami?
Minsan (o madalas na rin siguro? 'di ko na alam, honestly), wini-wish ko sana 'di na lang ako nagmahal, para 'di rin ako nasasaktan ng gan'to.
Hindi ko na rin alam ba't patuloy pa rin akong nagpapakatanga, hinahayaan o kaya minsan, sinasadya pa nga, na saktan ko 'yung sarili ko sa pag-view ng stories mo at pag-check pa rin ng posts mo.
Eh pwede ko namang kalasagan at protektahan 'yung sarili ko sa simpleng pag-iwas na gawin 'yung mga bagay na 'yon.
Kaya ko namang aminin sa sarili ko na masakit eh. Masakit 'pag naiisip kong wala ka na, masakit 'pag naiisip kong kasal ka na, masakit 'pag naiisip kong para bang wala na 'kong lugar sa buhay mo.
Ang 'di ko malaman ba't 'di pa rin kita matiis. Ba't sobrang mahal na mahal pa rin kita. Kahit na sobra-sobra na rin akong nasasaktan.
Na lagi't lagi, magri-reach out pa rin ako. Mas pipiliin kong masaktan makasama ka lang, maka-interact ka lang, kahit na alam ko sa sarili kong malaking parte 'yung umaaray kasi, hindi na ako 'yung mahal mo ng sobra.
Na alam ko kung paano kasi naranasan ko eh. Sobrang damang-dama ko pa rin 'yung kawalan nung pagmamahal na 'yon. That you've already outgrown that part of you, and here I am, still stuck between us two.
Teka lang, babalikan ko 'to. Kelangan huminga at magpahid ng luha eh.
No comments:
Post a Comment
Have somethin' to say? :)