Sunday, September 22, 2013

We're In Miami! [MAYAAAMIIIII]

Late na ng isang araw, sorry. :)) Sinimulan ko 'to kagabi kaso 'di ko na natapos, pinatulog na kasi ako. =)) It's better late than later. :>

First year first sem, isa ka sa mga soulmates ko pagdating sa schedule, kaya 'yun madali lang tayong naging close. Tapos partner tayo sa MP sa CS 10... pasensya na talaga at hindi ko natapos 'yung lahat ng pages, ang totoo nahihiya ako sa'yo 'pag naaalala ko 'yun pero kaibigang tunay naman kita kaya 'di na 'ko mahihiya. :p Isa sa mga madalas nating pag-usapan no'n eh 'yung ex-crush mo... si Sam, na sister ko dahil parehas kaming Sarah. :)) Ex-crush kasi love mo na siya ngayon. Haha. (gusto ko mag-explain eh ba't ba) Bukod pa 'yun sa mga kwento mo tungkol sa sarili mo, ta's 'yung G-Box at mga gala sa rob natin ni Gio.

Hindi ko alam pero sa lahat talaga ng mga lalake sa block eh ikaw 'yung unang naging malapit sa'ken. Exception si Paul kasi, MaSci. :p Pero 'yun. Natutuwa ako no'n kapag nagku-kwento ka tungkol kay Sam, sa sarili mo nung high school... tapos gusto ko talaga kayong dalawa na lang magkatuluyan. :> Wala kaming TV sa bahay, kaya love story niyo na lang ni Sister sinubaybayan ko kesa sa mga telenobela. ;) And yey happy... pero alam kong hindi pa ending kasi may kasal pa... bridesmaid ako bro ah? HAHA

Pagdating sa pagiging "regular" eh halos magkasabay tayo, hanggang ngayon. Naaalala mo pa nung sabihan mo 'ko ng, "Alam mo 'Ji, sayang ka dapat regular ka pa."? Siguro lahat talaga ng bagay may dahilan. Oo, nalulungkot ako kasi delayed na 'ko... Pero mas lamang 'yung masaya ako, kasi mas naging malapit ako sa inyo, kasama ka dun bro, sa HTHT. :) Kaya wala 'yun sa'ken, eh naging close naman ako sa mga taong sabi nga ni sister, "awesome people", na tinuturing kong mga kaibigang tunay na natagpuan ko sa kolehiyo. :p #ayAngCheesy

Salamat sa mga pagtuturo kapag 'di ko naintindihan 'yung lesson, sa pakikinig sa sarili kong istorya nung freshie pa tayo, sa pag-console kapag mababa 'yung mga grades sa exam ko, at sa hindi pagka-limot sa pag-aaya sa'ken sa tuwing may lakad o gala 'yung barkada. Never akong na-OP at hindi ko naramdamang hindi ako kasali kapag kasama ko kayo nila Sam, salamat do'n. Salamat sa sabay-sabay na mga review, tulong-tulong sa project, exercises, sa mga simpleng tugtugan at pagtuturo ng chords, sa mga htht sa tambayan o kahit saan, sa pusoy, Blitz at kung anu-ano pang mga laro, sa pagpapakilala sa'ken sa Yu-Gi-Oh at pag-convert sa Left 4 Dead 2. :>

Hindi ko na kayang isa-isahin pero isa pa ulit, salamat. Alam kong may kaya ka at mejjo mas nakaka-angat sa iba, nabibili mo ang mga gusto mo, pero kahit kailan 'di mo pinag-yabang 'yun. Sobrang magaling ka rin mag-gitara (ikaw pinaka-magaling na kilala 'ko!) pero never mong binuhat 'yung sarili mong bangko. Except na lang sa pagiging pogi. HAHAHA jk

Dahil na rin nga sa parang, nasa'yo na ang lahat... minamahal kitang tapat. OOPS hi Arianne. =)) (uy biro lang, birthday naman ni JC eh) Ayun parang nasa'yo na nga 'yung mga gusto mo, 'di ko talaga alam kung anong i-reregalo ko sa'yo. :)) Sorry. Saka unfair kasi 'di ko na-regaluhan 'yung ibang naunang mag-birthday. Next year na lang para walang mamimiss, saka sa pasko. Haha.

Sana patuloy ka pang i-bless ni God at maabot mo lahat ng pinapangarap mo. Happy birthday bro, paye, chicser, JC!

-AJi

P.S. Sorry 'di nakaka-touch. Shove na lang. =))

No comments:

Post a Comment

Have somethin' to say? :)