Thursday, September 19, 2013

Tumakbo Ako

Tumakbo ako ng pinaka-mabilis na kaya kong itakbo.

Pagka-bukas ng elevator eh kumaripas agad ako ng takbo at tuloy-tuloy na lumabas ng condo. Pag-tuntong ko sa hagdan pababa ng sidewalk, naramdaman kong dumampi sa balat ko ang mga unang patak ng pasimulang ambon noong mga panahong 'yon. Kukunin ko na sana 'yung payong ko sa bag ko pero naalala kong hiniram 'yon ng nanay ko bago siya umalis ng mas maaga nung umagang 'yon.

"Lord, galit Ka po ba sa'ken?", tanong ko sa isip ko habang sinimulan kong tumakbo papuntang CAS para hindi na 'ko abutan pa ng malakas na ulan sa daan at dahil na rin sa malapit nang mag-alas siyete -- oras ng una kong klase para sa araw na 'yon. "Bakit po ngayon pa umambon kung kelan hiniram ng nanay ko 'yung payong ko?" Hindi ako nagagalit sa Panginoon; nag-tatanong lang ako at natatakot dahil baka pinaparusahan Niya 'ko. Pero hindi ko na inisip ulit 'yon at tumuloy na 'ko sa pag-takbo habang iniisip ang tatlong beses kong kamatayan na magaganap sa araw na 'yon.

Okey pa 'ko nung unang klase ko sa Math 75. Nag-review kami para sa exam sa hapon. Walang lab ng CS 127, buti na lang. Inayos namin ni Lean 'yung ipe-present mamaya sa lec. Tapos inatupag ko na 'yung MP namin sa assembly na alam ko sa sarili kong hindi na namin matatapos kahit adikin ko pa kinagabihan. Nung mag-ala una, 2nd lec exam naman sa 131. Death number one. Nung mag-alas tres, project presentation sa CS 127. Salamat sa pa-pizza ni Paul dahil birthday niya, hindi na masyadong nag-uusisa si Sir MaRohn pagkatapos niyang makakain. Death number two. Pag-labas ng classroom, deretso agad kami ni Arianne, Franz, at JC sa Math 75 2nd lec exam. Death number three.

Umuwi ako ng bahay na kasabay si Jodie, pinag-usapan namin 'yung plano sa 131. Pagdating ko, kumain ako, nag-hugas ng plato, nag-code ng 131 pero bumagsak at nakatulog. Wala sa isip kong mag-aral para sa Math 74 lec exam bukas dahil tutok nga ako sa pagco-code ng assembly.

Pag-dilat ko ng mga mata ko, tinignan ko ang orasan ko at napansing lampas alas-sais na. Pinahiran ko ang mutang humaharang sa kaliwa kong mata upang makita kong mabuti kung anong oras na talaga. Teka, 6:30 na! Bumalikwas ako ng tayo mula sa kinahihigaan ko at dali-daling nag-ligpit ng higaan at deretsong naligo sa banyo. Kumain ng mabilis at tumakbo papunta'ng CAS dahil exam na sa Math 74.

Tumakbo ako ng pinaka-mabilis na kaya kong itakbo.

Pag-pasok ko sa room, binigyan na ako ng papel ni Ma'm Therese at sinimulan ko nang tignan 'yung mga tanong. Nakakaasar. Kung 'di ko lang kelangan unahin 'yung code sa 131, na-aral ko sana 'yun at kaya ko sanang i-perfect 'yung exam. Pero hindi eh. Sinagot ko na lang 'yung kaya kong sagutan. Death number four. Nung pababa na 'ko ng GAB, nasalubong ko sina Marx at sinabihan akong 2nd batch na lang daw ako sa exam. "Ah, sige thanks," na lang 'yung sinabi ko kahit ang nasa isip ko, "Anung exam?" Pag-dating ko ng tambayan, si Ate Kath naman 'yung sumalubong sa'ken at nag-sabing na-move na daw 'yung MP ng 131 kinabukasan, kasi marami pang 'di tapos, at second batch daw ako sa exam. Boom. Wala sa isip kong lab exam rin nga pala nung araw na 'yon sa 131. Naka-aral ako ng konti bago mag-alas onse medya, pero nung exam na, gumana 'yung program ko pagkatapos na pagkatapos mag-check ni Sir. Death number five.

Pag-pasok ko sa CS 120 lab kinabukasan, I was barely paying attention to Ma'm JJ (sorry po) dahil pa rin sa 131 MP namen. At oo, pati sa STS nag-code ako ng assembly hanggang sa ma-low batt na 'tong laptop ko at pinatuloy ko na lang kay Ron. Plano pa ata mag-extend ni Sir Herbert, kung 'di ko lang sinabing may exam kami sa 120 lab. At 'yung exam na 'yun... Death number six. Pero may isa pa. 'Yung huli at itinuturing kong pinaka-matindi. CS 131 MP. Hanggang ngayon, usapan pa rin ang mga katagang, "Good effort people. But I'm not impressed." Death number seven. Oh well. Pero masaya ako sa 65 namin nila Bogs. :)

Nag-ayaan ng block dinner. As usual, pina-pauwi ako agad. Wala raw kasing kasama si Hannah sa bahay. Pero minsan lang mangyari 'yung mag-diwang kami ng gano'n pagkatapos ng hell week, kaya sumama ako hanggang sa maka-settle down sa Wendy's. Mga isang oras din bago maka-pamili ng kakainan. =)) Nung mago-order na, umuwi na 'ko.

Tumakbo ako ng pinaka-mabilis na kaya kong itakbo.





Pitong beses akong namatay noong linggong 'yon. Pero eto ako, buhay pa rin, at mabait sa'ken ang Diyos. Tumatakbo pa rin ako.

No comments:

Post a Comment

Have somethin' to say? :)